Statement of Senator Mar Roxas on invitation of Kaya Natin!

Nagpapasalamat ako sa Kaya Natin! for including me in their array of choices for a reform president. I am willing to engage Kaya Natin! and all other reform groups so we can find ways to unite everyone who believes in the promise of change and a nation of worth which are the real issues in the 2010 elections.

The values and causes we share in the growing reform constituency are much, much larger than any of us. We represent, fight for and share the struggle with the people.

Kaya naman kami sa Partido Liberal ay masigasig na pinupursigi ang pagkakaisa ng lahat ng grupong nagnanais ng tunay na pagbabago sa ating bansa. Natutuwa akong sumama na sa atin ang mga lider at grupo ng civil society at ng mga sektor sa pagpapalakas pa lalo ng kilusang reporma.

Nagtitiwala ako na dahil tunay at taos-puso ang ating pagkakaisa sa adhikain ng pagbabago, makakamit natin sa 2010 ang ating minimithi na lideratong ipapatupad ng walang pasubali ang mga repormang aayos n gating bansa. Hindi ko pababayaan na ‘di natin matupad ang adhikaing magkaisa ang lahat ng nagnanais ng tunay na reporma.

Kailangan ng taumbayan ng isang pamahalaang aayusin ang ating bansa para magkaroon sila ng kasiguruhan ng mahusay na trabaho at kalusugan at maayos na pamumuhay. Di ito naibibigay ng isang gobyernong puno ng katiwalian at walang malasakit sa taumbayan.

No comments: