May radio program na

from Tempo newspaper
January 29, 2012

May radio program na si Danton Remoto, isa sa mga nirerespetong pangalan sa akademiya at pulitika. Si Danton ang head ng NEWS5 Research at host ng talk show na “Tayuan Mo At Panindigan” sa all-news channel na “Aksyon TV” ng TV5.

Mapapakinggan si Remoto sa “ Remoto Control" sa Radyo Singko, 92.3 News FM, 9:30 to 10:15 pm pagkatapos ng “Sakto kay Paolo at Cherie” nina Paolo Bediones at Cherie Mercado. Hitik sa impormasyon ang radio program ni Danton para sa mga misis,yaya, security guards, sa mga gustong mag- OFW’s at mga taong gustong matuto sa pamamagitan ng non-formal education. May usapan din tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, alamat, myth at iba pang urban legend ng mga Pinoy, komentaryo sa maiinit na isyu sa bansa, atbpa.

Nagturo rin si Danton ng English at Literature for 22 years sa Ateneo University. Siya ang nagtatag ng Ladlad Party List na tumataguyod sa mga karapatan ng lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT).

No comments: